Prologue
Napayukom naman ako ng kamao ko nang malaman na ang pinakamababang posisyon sa kompanya ang binigay sa akin ni Daddy.
"Chill Andrea!" sambit naman ni Kelly na naka-upo sa swivel chair ko.
May opisina nga ako na sarili dito sa kompanya, pero sa marketing department naman ako naka-assign bilang isang analyst.
Napa-irap naman ako. "I graduated from a prestigious university in London just to gain that kind of position? How crazy is that Kelly?" sambit ko sa kanya habang siya ay abala sa paglalaro sa kanyang cellphone.
Dahil sa inis ko ay agad ko naman siyang nilapitan sabay kuha ng phone niya.
"I bought this phone for you hindi para hindi makinig ka sa sinasabi ko," irita kong pahayag sa kaniya.
Tumayo naman siya agad sabay kuha ng cellphone niya sa kamay ko. "Alam mo Drey, kalma ka lang. You will get that position in no time this month," anas niya naman sabay tapik sa balikat ko.
Sobrang badtrip ko lang kasi talaga ngayon araw, buong akala ko kasi ay ako na ang magiging Supervisor ng Finance Department o kaya naman ay Vice President ng kompanya namin, pero it turned out worst.
"Someone's calling you outside Drey," pahayag naman ni Kelly kaya napatingin ako sa kanya.
Dinig ko naman ang sunod-sunod na katok galing sa labas kaya mas lalo akong nairita.
"What?" inis kong bulyaw.
Agad namang bumukas ang pintuan at iniluwal si Joyce, ang secretary ni Daddy.
"Sir Tommy is looking for you, Ma'am," mahinang wika niya.
Tumayo naman ako at napahawak nalang sa noo ko. "Why? Tell him that I have something very important to do," sagot ko naman sabay talikod sa kanya.
"Uhmm, importante raw po kasi, Ma'am. You need to go there now," saad pa nito kaya napa-irap nalang ako.
"Girl, puntahan mo na kasi," sambit din ni Kelly kaya wala na akong nagawa kung hindi ang lumabas ng opisina ko.
Nadatnan ko naman si Daddy na may kausap sa kanyang phone. Walang gana kong isinara ang pintuan sa kanyang office kaya napatingin siya sa akin.
"Wait a sec," agad niyang sambit sa akin.
Umupo na ako sa couch parallel to his office table habang pinaglalaruan ang magazine na nasa ilalim ng coffee table. Maya-maya pa ay lumapit na siya sa akin at umupo sa harapan ko.
"So when will you start, Drey?" nakangiting tanong niya sa akin kaya mas lalo akong nainis.
Hindi ko alam kung sinasadya ba 'to ni Daddy o ano.
"Seriously Dad? Analyst? Are you mocking my degree?" walang ganang tanong ko sa kanya.
Napatawa naman siya sa sinabi ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Do you really want that position?" seryosong tanong niya sa akin.
Nabuntong-hininga naman ako. "Look Dad, I'm a degree holder and--"
"Answer my question," putol niya sa akin.
"Yes."
Ngumiti naman siya sa akin. "In one condition, you have to marry Mr. Medina's son."
"What the f**k?"